latak

Tuesday, October 18, 2005

Me, The Ah * tiste

Mas mabuti na siguro ito na sa pansariling interest ko na lang gamitin ang talent ko sa graphics design. Alam nyo mga fans, ang graphics design ay natutulad din sa music industry. Pag ang banda ay di pa nadidiskubre ng commercialism, malaya silang nakakagawa ng kanta at kung anong tema ang gusto nila pero pag napasok na ng negosho ay na didiktahan na.
Ganyan din ang design. may mga client na umaandar ang pagka diktador. Wala silang pakialam sa creative side, ang gusto nila ay basta kumita ang produkto. Anyway yun naman ang importante diba?

Pero pano naman ang dignity ng Artist?Naalala ko nuon ng ako ay halos pagpawisan ng dugo dahil sa pag iisip ng magandang concept sa print ad. Tapos nung makausap ko ang client ay gusto nya na nakalagay sa print ad ay ang picture ng anak nya. Nakupow! dibale sana kung mala "Shirley Dimples" e hindi eh, kamukha nya yung bata dun sa "The Ring" at bukod dun taliwas talaga sa image ng produkto. Pero di nila maintindihan yun. Minsan din tagtipid ang nagpapagawa ng design at gusto ba naman na magnakaw kami ng picture sa ibang design. Naku! idadamay pa ako sa krimen na balak nila!

At ang pinaka ayaw ko ay ang prrrreeeeeeeeeeesssssuuuuuuuuuuurrrrrrrrre!!!!!!!!! Grrrrrrrrrr! Sa panahon ngayon na pa lakas ng palakas ang competition ng mga brands. Kung magpapalit ng design ang mga client ay parang akala nila ay marunong kaming mag black magic at sa isang idlap ay mababago ang kanilang project. Talaga naman nakaka dagdag ng wrinkles mga fans. Kaya naman ay minsan ay pwede mo nang pag isahin ang business at residential address mo dahil isang lingo ka nang di umuuwi sa inyo dahil sa kaka overtime.

Kaya siguro ay mas mabuti na lang na sa satiling interest ko na lang gamitin ang aking talent at
tuluyang ma enjoy ko ang aking creative freedom.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home