Ang Tatao Nyo!

Mga pagong! Mga ahas! Ang bababoy nyo! You bitch!
Paumanhin po. Hindi po ako galit. Ang gusto ko lang ikwento ay kung gano kamalas ang pagong, ahas, baboy at pati na rin ang babaeng aso (bitch) dahil ginagamit ng tao ang pangalan nila pag may sinasabing hindi maganda.
Pero paano kaya kung ang mga hayop ay ginagamit din ang pangalan natin kung may sinsasabi silang hindi maganda? San at kailan kaya nila ito ginagamit?
Hindi kaya pag may asong pumuputol ng puno at nagtatapon ng basura sa ilog? Ang tatao nyo! Tapon kayo ng tapon ng basura sa ilog!
Hindi kaya pag inaabuso ng baboy ang kanyang sarili dahil sa alak at sigarilyo? Ang tatao nyo! Sinsusunog nyo ang baga nyo dahil sa kasisigarilyo!
Hindi kaya pag may sinsisiraan ng pusa ang kapwa nya pusa? Ang tatao nyo! Bat kayo nagkakalat ng storya na hindi naman tutuo!
Malay natin diba? Di natin alam.


1 Comments:
This comment has been removed by a blog administrator.
Post a Comment
<< Home