latak

Friday, November 25, 2005

Hi Hi Hi Higop

Sa kumpanyang pinapagtrabahuhan ko ay maraming nagsasabing uso ang sipsip at panghihigop. Sabi nga nila "It's not what you know but who you know."

Sa Pinas pa lang ako ay di ko na ugaling sumipsip sa boss ko. Natuto akong umangat gamit ang aking galing at talino at nang hindi humahalik sa pwet pero sa kumpanyang ito na uso ang sipsipan ng tinga ay nababahala ako. pano kung ang mga ito ay talagang higop ang hinahanap. pano na ako?

Hindi naman siguro tama yun. Naalala ko nang nasa Pinas pa ako ay nabansagan akong rebelde sa kumpanya namin pero minsan naman tama ang decision na ginagawa ko kahit may mga nagagalit sakin.

Hhhhhhhhhhhhhhhhhhh........ (buntong hininga)

Wednesday, November 16, 2005